Narito ang mga nangungunang balita ngayong September 3, 2025

- Maanomalya umanong infrastructure projects, sinimulan nang imbestigahan ng House Infrastructure Committee | Dating Bulacan 1st District Engr. Henry Alcantara, inaming hindi ininspeksiyon ang mga proyekto | Dating DPWH Sec. Bonoan, iginiit na hindi siya sangkot sa katiwalian sa mga proyekto | Ilang mambabatas, nagkainitan nang maghain ng mosyon na imbitahan sa pagdinig si Rep. Elizaldy Co at dating Sen. Grace Poe | Mga kongresista, pinagsusumite ng listahan ng kanilang mga negosyo at interes na posibleng konektado sa flood control projects | Pagbigay ng PCAB ng contractor's license sa mga kompanya ng pamilya Discaya, kinuwestiyon | May-ari ng Centerways Construction and Development Inc. Lawrence Lubiano, inaming nagbigay ng donasyon kay Senate Pres. Escudero noong Eleksyon 2022

- Dept. of Finance: P42.B-P118.5B ang posibleng nawala sa ekonomiya ng bansa dahil sa ghost flood control projects | Mga proyektong pinondohan na ngayong 2025 na may budget pa rin sa 2026, sinita ni Sen. Gatchalian | 500 flood control projects para sa iba't ibang lugar na pare-pareho umano ang halaga, pinuna ni Sen. Lacson | DBM sa mga umano'y isiningit na proyekto sa panukalang 2026 national budget: Nanggaling 'yan sa DPWH | Sen. Aquino: Hindi dapat tanggapin ang P881.3B panukalang budget ng DPWH sa 2026 | Panukala ni Sen. Legarda: Burahin ang buong proposed 2026 budget ng DPWH para makabuo ng bagong budget si Sec. Dizon | DPWH Sec. Dizon: Dapat alisin na sa panukalang 2026 budget ang mga proyektong nakompleto na | Dating DPWH Sec. Bonoan sa gitna ng imbestigasyon sa flood control projects: "I did the best that I can" | Paunang imbestigasyon ni dating DPWH Sec. Bonoan: 15 flood control projects, hindi mahanap; karamihan ay nasa Bulacan 1st district | Komiteng binuo ni Ex-DPWH Sec. Bonoan para imbestigahan ang umano'y katiwalian sa DPWH, binuwag ni Sec. Dizon

- VP Duterte sa imbestigasyon sa flood control projects: "Too little, too late" | VP Duterte: Hindi lang sa flood control may korapsyon; pinaghati-hatian din pati pondo ng school building program ng DepEd | VP Duterte sa imbestigasyon sa flood control projects: Kung seryoso si PBBM, tapos na 'yan sa isang araw lang

- Hindi nasementuhang bahagi ng gumuhong dike sa Davao River, inirereklamo ng mga residente | Mga residente, gumawa ng tulay na gawa sa kahoy para makatawid; 2 residente, nabalian ng buto matapos mahulog |

Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).

For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.